Nagsagawa ng dry run nitong Huwebes sa Quezon City ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa paggamit ng bagong breath analyzer laban sa mga nagmamaneho nang lasing o nasa impluwensiya ng droga.

Nabatid na bahagi ito ng pagsasanay ng LTO personnel sa tamang paggamit ng breath analyzer sa pagpapatupad ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Sinampolan sa unang dry run ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Joselito Mosikera, na pinara ng awtoridad matapos makitang walang suot na helmet ang angkas na pamangkin.

Nang gamitan ng breath analyzer, lumitaw na nakainom ng alak si Mosikera.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Hindi naman pinatawan ng multa ang motorista dahil sa dry run pa lang ang proseso pero pinaalalahanan siya ng mga tauhan ng LTO.

Ayon sa pamunuan ng LTO, ang mga mahuhuli sa drunk driving ay mahaharap sa tatlong buwang pagkakakulong, pagmumultahin ng P20,000 at anim na buwan hanggang isang taong sususpendihin ang lisensiya sa unang paglabag na walang aksidente sa kalsada.

Magkakatuwang sa operasyon ang LTO, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP).