Denise at Arjo

ITATAMPOK sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN ngayong gabi sina Denise Laurel at Arjo Atayde. Gaganap sila bilang sina Andrea at Jason, ang magkasintahang overseas Filipino workers sa Saudi Arabia na agarang nagpakasal dahil sa hindi planadong pagbubuntis.

Sa kabila ng pag-abandona sa kanya ni Jason nang ipanganak niya ang isang stillborn baby, nakipagkasundo pa rin si Andrea sa kanyang asawa sa pag-asang makabubuo sila ng masayang pamilya na matagal na niyang pinapangarap. Ngunit mababago ang lahat nang matapos ang apat na taon, matutuklasan ni Andrea ang lahat ng kasinungalingan ni Jason kabilang na ang kanilang kasal na matagal na palang annulled.

Sapat na ba ang pag-ibig upang mapagtakpan ang lahat ng sakit na idinulot ng mga kasinungalingan ng isang minamahal?

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Makakabituin nina Denise at Arjo sa episode na ito sina John Arcilla, Kelly dela Cruz, Maureen Mauricio, Jamilla Obispo, Dale Baldillo, Menggie Cobarrubias, at Bryan Termulo. Ito ay mula sa panulat ni Joan Habana at sa direksyon ni Garry Fernando.