Coco at Julia

IKATLONG project na nina Coco Martin at Julia Montes ang Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasure na ayon sa announcement sa kanilang presscon ay aabutin ng anim na buwan sa ere.

Ano ang pakiramdam ni Coco na muli niyang katambal si Julia?

“Ako talaga kasi, bawat proyekto, siyempre nilo-look forward ko na makasama rin ‘yung ibang magagaling na artista, and then, para sa akin, siguro, napakalalim na ng pundasyon namin ni Julia as a love team. Kumbaga, ‘pag in-overall ko siya, si Julia talaga ‘yung inaano ko na ‘pag sinabing ‘sino talaga ‘yung naka-love team ko noong araw?’ si Julia ‘yun.”

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Then, nu’ng nag-Moment in Time (pelikula nila) kami, medyo nagkakahitsura na, nagkakaroon na ng dating sa akin, then sa Ikaw Lamang, nakita ko ang maturity niya as an actress.

“And then nakita ko ngayon, nagdadalaga na, paganda na nang paganda, parami na nang parami ang mga umaaligid na gustong manlgaw,” kuwento ni Coco na halatang may pinaghuhugutan.

Nagkukuwento ba sa kanya ang leading lady niya?

“Hindi, pero ipinaparamdam ko sa kanya na hindi siya puwedeng magpaligaw. Bata pa, eh.”

Ano ba talaga ang relasyon nila, may naudlot ba o tuluy-tuloy lang?

“Walang naudlot, kasi kahit noon pa, mula nang Walang Hanggan hanggang nu’ng Ikaw Lamang and hanggang ngayon, kung ano ‘yung trato namin ni Julia sa isa’t isa at kung ano ang pagkakaibigan namin, ganu’n pa rin po talaga,” salag ni Coco.

Sa madaling salita ay magkaibigan lang talaga sila.

“Opo, wala nang tataas do’n,” diretsong sabi ni Coco.

So, ibig sabihin, totoo ang sinasabi niya noon pa na hindi pa siya nanliligaw kay Julia na inamin niya sa interview ng ibang katoto na minamahal niya.

--Reggee Bonoan

(Editor’s note: So, kaya pinagbabawalan niyang magpaligaw sa iba dahil bata pa. Alam na. Go Coco!)