MAKAHULUGAN, makabuluhan at madamdaming short speech ni Direk Maryo J. delos Reyes sa grand presscon ng seryeng Pari Koy ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes at napapanood na sa primetime gabi-gabi.

direk maryo Nanghihinayang kami na hindi ito makarating sa mas nakararaming tao, kaya isinulat namin para i-share sa aming dearest Balita readers.

Narito ang kabuuan ng kanyang speech that night:

“Magandang gabi sa inyong lahat. Unang-una, kung ‘di ako naging director ngayon, malamang naging pari rin ako. Kung ‘di n’yo nalalaman, ako ay galing sa seminaryo at akoy isang ex. I’ve been there for almost five years. At kaya na rin siguro nu’ng in-offee itong project na ito sa akin nagustuhan ko dahil, unang-una, after all the problems that our world is encountering... ‘yung mga nangyayaring gulo sa iba’t ibang parte ng ating mundo, meron sa Mindanao, sa Mamasapano maski na sa Paris, sa Pakistan, sa lahat ng mga kalamidad na nangyayari, sa lahat ng climate changes at epekto nito, I think we all need something like this (Pari koy) to inspire us, to strengthened our faith, not only... aside from God but in ourselves and our fellowmen.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Kaya maganda itong pagkakataon para buhayin uli at bigyan ng inspirasyon ang bawat isa, that’s one main reason.

“The next reason is because of Dingdong Dantes whom I’ve worked with and whom I believe is a very good man. Aside from the fact na magaling siyang artista, magaling din siyang tao, na nakikita mo ‘yung pakikipaghalubilo niya sa mga proyekto na pinapasukan niya, so all of this, inspire me and gave me such belief and to push this project with great gusto.

“Pangatlo, gusto kong sabihin na itong gathering na ito ay isang pagkakataon para magpasalamat kaming lahat sa press, sa inyong lahat sa continous support na ibinibigay ninyo. I’d like to thank not only the PMPC dahil come Sunday, March 8, 2015, they will award me a lifetime achievement award bilang isang alagad ng sining sa likod ng camera.

“So sa continous support ng press sa akin, nagpapasalamat ako sa PMPC at sa lahat ng bumubuo ng press, ng media na noon pang nagsisimula ako ay tumulong na sa akin at made me what I am today and this I promise that I will make it go on, working hard, produced good works for everyone.”

Very well said, Direk Maryo J. More power!