Posibleng magkaroon ng bagyo sa gitna ng nararanasang tag-init sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Idinahilan ni Benison Estareja, weather specialist ng PAGASA, na maaaring pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Marso 18.

Ang nasabing bagyo, na may international name na Bavi, ay huling namataang nasa labas pa ng PAR.

Sinabi ni Estareja na hindi pa nila matiyak kung magla-landfall o lilihis ang baito o lilihis kapag pumasok na ito sa Pilipinas.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 4,000 kilometro, silangan ng Mindanao, taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 75 kilometers per hour (kph) at bugsong 90 kph.

Nilinaw ni Estareja na hindi pa ito makaaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Paliwanag niya, normal lang ang pagpasok ng mga bagyo tuwing Marso, kahit nararanasan na rin ang tag-init.