Aabot sa 3,000 inmate sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang nagsipagtapos sa kanilang pag-aaral.

Masayang ibinalita ni Department of Education (DepEd) Secretary Armin Luistro na libu-libong bilanggo sa maximum security compound ng NBP ang nakatapos na sa elementary at high school habang 500 bilanggo ang nakatapos ng vocational.

Personal na dinaluhan ng kalihim ang seremonya ng pagtatapos sa loob ng NBP.

Patunay lamang ito na ang edukasyon ay para sa lahat.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina