SEOUL, South Korea (AP) – Madalas na nalilito ang mga North Korean sa lahat ng salitang English na naririnig nila sa South Korea, gaya ng “shampoo,” “juice” at “self-service”—na hindi kailanman ginamit sa mailap na North.
Samantala, hindi naman maintindihan ng mga South Korean ang mga homegrown North Korean word na gaya ng “salgyeolmul”, na literal na nangangahulugan ng “skin water” (“skin lotion” sa South Korea).
Iisa lang ang lengguwahe ng dalawang bansa, pero dahil sa pitong-dekadang paghihiwalay ng mga ito ay lumala na ang linguistic divide ng mga ito na nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan.