Tatangkain ni ex-WBF light welterweight champion Ranee Ganoy ng Pilipinas na maitala ang ikalawang pagwawagi sa Estados Unidos sa pagkasa sa Amerikanong si Josh Torres sa Abril 11 para sa bakanteng WBC United States Silver super lightweight crown sa Convention Center, Albuquerque, sa New Mexico.

Dating world rated lightweight, ito ang ikalawang laban ni Ganoy sa US kung saan ay pinatulog niya sa 1st round si ex-USA New Mexico State lightweight titlist Shawn Gallegos noong nakaraang Nobyembre 15 sa Albuquerque, New Mexico.

Matagal kumampanya sa Australia ang 35-anyos na si Ganoy na tumanyag sa bansag na “KO Kid” at natalo lamang kina dating interim WBA lightweight champion Michael Katsidis ng Australia at world rated Fernando Angulo ng Ecuador sa 25 laban.

May kartadang 36-11-2 (win-loss-draw) na may 32 panalo sa knockouts, inaasahang patutulugin ni Ganoy si Torres na may 13-3-2 (win-loss-draw) record upang makapasok sa WBC rankings.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras