BUKAS na, bago ang Pepito Manaloto, ang pilot ng 15-minute entertaining program ng GMA-7 na Sabado-badoo nina Sef Cadayona at Betong Sumaya o ang Setong na ipakikilang “laughteam” ng network.

Kakaiba ang concept ng show na magpi-feature ng videos at mga eksena sa old shows at events and to be presented in a comedic manner. Sinigurado ng mga host na masisiyahan ang viewers sa kanilang gagawin.

Kuwento ni Sef, hindi na siya nag-audition, pinili siya to host the show at nagpa-audition na lang ng magiging co-host niya.

“Ang daming nag-audition, pero nang si Betong na ang sumalang, nakita nilang may chemistry kami kahit kasama sa audition ang sampalan. Masaya kami ni Betong dahil hindi na lang sa Bubble Gang kami magkakasama,” sabi ni Sef.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

Bukod sa mahusay na aktor, kilalang chick boy si Sef. Ex-girlfriend niya si Yassi Pressman at girlfriend si Andrea Torres. Hindi lang maamin ng dalawa ang kanilang relasyon at may humahadlang yata. Halata ngang safe ang mga sagot ni Sef nang usisain namin tungkol kay Andrea.

Proud daw siya kay Andrea lalo na nang maging cover ito sa FHM, pero isang copy lang ang binili niya bilang suporta dahil friend niya ito at kasama sa Bubble Gang. Kinontra rin niya ang nabanggit ni Yassi na wala silang closure dahil nag-usap sila nang sila’y maghiwalay.(Nitz Miralles)