Target ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na maideklarang AlkanSSSya capital ng Pilipinas ang lungsod Quezon.

Sinabi ni Belmonte na ito ay bunga ng implementasyon ng programang AlkanSSSya ng Social Security System sa lungsod at sa pagkakapasa ng QC Council sa Tricycle Management Code na mag-oobliga sa lahat ng operator at driver ng tricycle sa buong Quezon City na makibahagi sa programang AlkanSSSya.

Nabatid na naipamahagi na nina Belmonte at SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros ang mahigit 40 malalaking AlkanSSSya sa mga TODA at asosasyon ng mga vendor sa Quezon City.

Ang bawat AlkanSSSya ay gawa sa isang malapad na bakal na may 100 maliliit na butas na roon nakatatatak ang pangalan ng bawat miyembro ng TODA at vendors’ association.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Amalia Tolentino, director ng AlkanSSSya program, ginawang pilot area ang Quezon City para sa nasabing programa ng mga bilanggo sa Camp Caringal at mga nangangalawit sa Payatas.

Aniya, sa halagang P12 kada araw o P360 kada buwan ay makaiipon na sa kanilang AlkanSSSya ang mga miyembro ng TODA para sa kanilang buwanang kontribusyon sa SSS.

“Hindi na kayo pumila pa para magpa-miyembro sa amin. Hindi na kayo pupunta sa amin para magbigay ng contribution dahil andiyan na ang inyong AlkanSSSya sa terminal n’yo,” saad ni Tolentino. - Jun Fabon