Peanuts

BASE sa bagong pag-aaral, nadiskubreng nakatutulong ang pagkain ng mani upang makaiwas sa sakit sa puso.

Nakumpleto at naging matagumpay ang isinagawang pag-aaral sa pakikiisa ng iba’t ibang lahi, kabilang na ang Caucasians, African Americans at Asians, na nasa mababang estado sa buhay.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang madalas na pagkain ng mani ay nakababawas ng bilang ng pagkamatay dulot ng sakit sa puso, kaya pinapaalalahanan nila ang lahat na kumain ng mani — na abot-kaya ang halaga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang pag-aaral, na inilathala sa Journal of the American Medical Association ay nilahukan ng mahigit 70,000 Caucasians sa United States at 130,000 Chinese sa Shanghai.

“We found that peanut consumption was associated with reduced total mortality and cardiovascular disease mortality in a predominantly low-income black and white population in the US, and among Chinese men and women living in Shanghai,” pahayag ng senior author na si Xiao-Ou Shu, associate director ng Global Health sa Vanderbilt-Ingram Cancer Center (VICC).

Lumalabas na nabawasan ang kabuuang bilang ng mga namamatay mula 17 hanggang 21 porsiyento sa mga lumahok.

Pumapalo ang bilang ng mga namamatay sanhi ng sakit sa puso sa pagitan ng 23 hanggang 38 porsiyento.

Ngunit nagbigay-babala ang co-author na si William Blot na ang datos ay mula sa observational epidemiological study at hindi randomized clinical trials, “we cannot be sure that peanuts per se were responsible for the reduced mortality observed.”

Hindi lingid sa nakararami na mura lang ang mani at madali lang mabili sa mga tindahan, at ito ay kinakain ng kahit na anong lahi.

Ang masustansiyang mani ay nagtataglay ng unsaturated fat, fiber, vitamins at anti-oxidants na makatutulong sa cardiovascular health.

“The results suggest that including a modest amount of nuts as part of a well-balanced diet may be of benefit,” pahayag ni Peter Weissberg, director ng British Heart Foundation.

“The data do not show that the more peanuts you eat the lower the risk of a fatal heart attack, so people should not start eating large quantities of nuts, particularly salted nuts, in the hope that it will protect them from heart disease,” dagdag ni Weissberg. - Yahoo News/Health