DHAKA, Bangladesh (AP) - Gumuho ang kisame ng isang limang-palapag na ginagawang pabrika sa Bangladesh noong Huwebes, at pitong trabahador ang nasawi habang 40 iba pa ang hindi nakalabas, ayon sa isang opisyal. Aabot sa 150 ang nagtratrabaho nang mangyari ang aksidente sa Mongla sa distrito ng Bagerhat, ayon sa fire official na si Mizanur Rahman.

Ayon kay Rahman, 30 katao ang nailigtas mula sa tambak ng debris at aabot sa 40 ang hindi nakalabas. Marami sa survivor ay nasugatan at naospital.

Atty. Luke Espiritu, binigyan ng bokyang grado si PBBM