CANDON CITY, Ilocos Sur – Tinutugis na ng pulisya ang mga hindi nakilalang suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang prominenteng negosyante na Filipino-Chinese sa Barangay San Jose, Candon City, nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jonathan Tui, 54, may negosyong construction supply at taga-Bgy. San Jose, Candon City, Ilocos Sur.

Napaulat na papasok si Tui sa kanyang bahay nang pagbabarilin siya ng suspek gamit ang hindi pa tukoy na uri ng baril.

Nasapol ng bala sa kilikili si Tui at namatay.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Ikinokonsidera ng mga imbestigador ang ilang anggulo para matukoy ang motibo sa pagpatay. - Freddie G. Lazaro