Bagamat nahaharap sa isang non-bailable offense, humirit pa rin si Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete sa Sandiganbayan Fourth Division na payagan siyang makapagpiyansa kaugnay sa pork barrel fund scam.

“Under the Constitution, an accused may be denied bail only if the evidence of guilt is strong,” pahayag ng mga abogado ni Lanete matapos silang maghain ng petition for bail.

“The rationale is that, if evidence of guilt is strong, the accused has a greater incentive to flee. On the other hand, if the evidence of guilt is not strong, there is little risk of flight, and the accused is entitled to bail as a matter of right,” paliwanag ng kampo ng gobernador.

Nahaharap si Lanete ng 11 counts of graft matapos itong idawit sa multi-bilyong pisong kontrobersiya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), na kilala rin bilang pork barrel fund.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Iginiit ng mga abogado ng gobernador na wala pang ebidensiyang naihaharap sa korte ang prosekusyon na magpapatunay na nakakomisyon ang kanilang kliyente mula sa pork barrel fund na minanipula umano ng negosyanteng si Janet Lim Napoles sa pamamagitan ng bogus na non-government organization,

Tiniyak ng mga abogado ni Lanete na hindi siya maituturing na “flight risk” o posibleng tumakas dahil sa kanyang estado sa siyudad at madali siyang makilala ng publiko matapos malathala sa media ang kanyang pagkatao.