Kapag naipatupad na ang kabuuan ng K-to-12 program sa 2016, mahigit isang milyong mag-aaral ang madadagdag sa total public school population ng bansa. Sa ngayon mayroong mahigit 21 milyong papasok sa kindergarten, Grade 1 hanggang 6 sa elementary, at first year hanggang fourth year sa high school. Magdadagdag ng dalawang taon pa ang K-to-12 sa pre-college program; na magtataas ng karagdagang pangangailangan na kailangang harapin.

Mangangailangan ng karagdagang mga silid-aralan para sa karagdagang isang milyong mag-aaral sa bawat school year. Kahit ngayon, hindi sapat ang mga silid-aralan, dahil sa backlog na natitipon sa loob ng maraming taon. Sa isang milyon pang mag-aaral, kailangang magkumahog ang gobyerno upang mapunan ang lumalaking kakulangan.

Nakikipag-areglo ang gobyerno sa pribadong Higher Education Institutions (HEIs) ng bansa upang gamitin ang kanilang iba pang pasilidad, kabilang ang kanilang teaching staffs, bilang probisyon para sa senior high school (Grades 11 at 12), pati ang mga voucher na ipagkakaloob sa lahat ng junior high school graduate ng public schools. Ang areglong ito ang tutugon sa pangangailangan para sa karagdagang silid-aralan at kuwalipikadong mga guro pati na ang inaasahang problema sa labor sa HEIs pagsapit ng 2016 kapag kakaunti ang college freshmen.

Ito ay isang mahalagang solusyon sa mga taon ng transisyon sa K-to-12 implementation. Sa dakong huli, kailangang pangalagaan ng gobyerno ang mga batang mag-aaral sa public schools sa bansa na may sariling mga silid-aralan, sariling kagamitan sa pagtuturo, at sariling faculty.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nitong mga huling linggo, may ilang opisyal, kabilang si Sen. Antonio Trillanes IV, at mga organisasyon, partikular na ang Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities in the Philippines, ang nagpahayag upang igiit sa gobyerno na repasuhin ang K-to-12 program, sa pangambang hindi pa handa ang bansa para rito. Balak nilang maglunsad ng isang demonstrasyon sa Mayo 9 sa Rizal Park sa Manila.

Mas mainam para sa gobyerno ang tingnan ang kanilang puntos, inilista ni Sen. Trillanes bilang kakulangan sa resources, kakulangan sa kasangkapan, kakulangan sa silid-aralan, at kakulangan sa mga guro. Maaari rin nitong pagnilayan ang karagdagang gastusin na kailangang balikatin ng mga magulang upang mapanatili nilang nasa paaralan ang kanilang mga anak nang dalawang taon pa.

Marahil ang malaking bahagi ng problema ay ang kakulangan sa pamamahagi ng impormasyon, kakulangan sa konsultasyon, at kakulangan sa koordinasyon ng mga kaugnay na sektor. Sa susunod na mga buwan, makita nawa natin ang mas maraming pagsisikap na ituwid ang lahat ng kakulangang ito upang ang K-to-12 ay maging isang tunay na haligi ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas, sa halip na problema na tinatanaw ngayon ng nakararami.