Alex Gonzaga

MULA nang maging Kapamilya ay sunud-sunod na ang ginagawang proyekto ni Alex Gonzaga. Napanood sa Voice of the Philippines Season 2 at kasama rin si Alex sa ASAP 20, may librong bestseller sa ABS-CBN Publishing, may I Am Alex G album under Star Music na ini-launch kahapon, may concert sa darating sa Big Dome sa susunod na buwan, at sa March 16 ay premiere telecast naman ng kanyang pinagbibidahang serye na Inday Bote.

Isa na lang daw ang kulang kay Alex, lovelife.

At 27 years old ay tatlo na ang naging boyfriend niya, at isa na rito ang isa sa leading man niya sa Inday Bote na si Kean Cipriano. Pero ngayon, zero.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Wala bang balak si Alex na bigyan din naman ng pansin ang kanyang buhay pag-ibig?

“Alam n’yo, hindi naman lovelife ang priority ko ngayon. Kumbaga, okey lang ‘yun kung wala. I’m just loving life, that’s my lovelife. Kasi hindi mo naman kailangang pilitin ang isang bagay na hindi para sa atin, di ba?” balik tanong sa amin ni Alex.

May mga nagpapalagay din na si Alex Gonzaga ang nagpasimula sa paglipat at ngayon nga ay pagbabalik sa dating nag-alagang network. Unang nasa ABS, then lumipat sa TV5 and after five years ay muling bumalik sa Dos si Alex.

Ngayon ay sunud-sunod na ring nagbabalikan ang mga dating talent ng Dos. Ano ang masasabi ni Alex tungkol dito?

“Sa totoo lang, eh, hindi ko naman iniisip ‘yun. Kasi kung saan ‘yung may opportunity, kung saan may trabaho, kung saan binuksan muli ‘yung path mo, eh, doon ka naman pupunta. Kung may mga nakakasama ako doon sa dating istasyon na nandito na rin ngayon, eh, masaya na tayo kasi, sa totoo lang, we really run in circles dito sa showbiz,” sey ng kapatid ni Toni Gonzaga.