Pagkakalooban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang magsisipagtapos sa pag-aaral ng 50 porsiyentong diskuwento sa pagsakay sa Pasig River Ferry simula sa Linggo. Marso 15.

Ayon kay MMDA Chairperson Francis Tolentino, ang kalahating diskuwento sa pasahe ng mga estudyante ay sisimulan sa Linggo at tatagal hanggang sa araw ng kanilang pagtatapos.

Magagamit ng mga estudyante ang diskuwento sa pagpapakita ng kanilang identification (ID) card bilang patunay na sila ay magtatapos.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon