Kinansela kahapon ng Sandiganbayan ang arraignment sa kasong graft, malversation at direct bribery laban kay dating Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nito sa pork barrel fund scam.

Ito ay matapos payagan ang kahilingan ng abogado ni Jaraula na ipagpaliban muna ang pagbasa ng sakdal dahil na rin sa nakabinbin pang motion to quash information at motion to defer the arraignment na isinampa ng kanilang kampo sa hukuman.

Ipinagpaliban din ang arraignment ni dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Mario Relampagos, at mga staff nito na sina Rosario Nunez, Marilou Bare at Lalaine Paule bunsod na rin ng inihan nilang motion for judicial re-determination of probable cause, kaugnay sa kasong graft at malversation.

Sa nasabing arraignment, nabigong dumalo ang sinasabing mastermind sa scam na si Janet Lim-Napoles dahil hindi pa rin naibabalik ng mga arresting officer ang warrant of arrest nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Itinakda ng hukuman ang arraignment sa Mayo 4.

Kaugnay nito, nag-plead naman ng not guilty si dating Technology Resource Center (TRC) head Dennis Cunanan, TRC staff members Francisco Figura, Marivic Jover, Ma. Rosalinda Lacsamana, Belina Concepcion, at Maurine Dimaranan, gayundin ang pribadong indibwal na si Mylene Encarnacion kaugnay ng kinakaharp nilang graft at malversation.

Ayon sa rekord ng kaso, sinampahan ng kasong graft si Jaraula nang tumanggap umano ito ng P20.8 milyon na kickback mula sa pork barrel fund nito bilang kongresista, batay na rin ledger of rebates ng whistleblower na si Benhur Luy.

Nag-ugat ang kaso nang maglabas ng P50.5 milyong pork fund si Jaraulo mula 2004 hanggang 2007 para sa mga proyektong ipatutupad sana ng bogus na non-gvernment organization (NGO) ni Napoles.