ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo katao na lulan sa isang armored van ang isinugod sa pagamutan makaraang masugatan matapos nitong salpukin ang gilid ng isang pampasaherong bus sa national road sa Barangay Kenram, Isulan, Sultan Kudarat, dakong 1:50 ng hapon nitong Miyerkules.

Batay sa nakalap na ulat mula sa Isulan Police, tinangka ng armored van na minamaneho ni Arthur Bustilo, 43, may asawa, ng Bgy. Madanding, Lambayong, na lampasan ang Husky bus pero nahagip nito ang bus at sumirko ang van.

Sugatan si Bustilo at ang mga kasama niyang sina Argie Dardo, 30, binata, ng Bgy. Kinayao, Bagumbayan; at Anthony Dalasin, 26, binata, ng Bgy. Libas, Tantangan, South Cotabato, kapwa security guard.

Bukas naman sa pag-uusap ang driver ng pampasaherong bus na si Alexander Ordovas.- Leo P. Diaz

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA