PUMANAW na ang aktor na si Windell D. Middlebrooks, 36, nakilala bilang delivery guy sa pelikulang Miller High Life, kinumpirma ng kanyang agent sa Associated Press noong Martes.

Kinumpirma ni Steve Ivey ang pagpanaw ni Middlebrooks noong Lunes, Marso 9. Ang sanhi ng pagkamatay niya ay nananatiling hindi ipinapaalam. Base naman sa ulat ng TMZ, walang naganap na foul play sa pangyayari.

Nagpahayag ang pamilya Middlebrooks na kasalukuyan nilang ipinagluluksa ang “passing of a young black star.”  

Nakilala si Middlebrooks sa kanyang mga ginampanang papel bilang madaldal, at makabuluhang delivery man. Siya ay napanood din sa ilang programa sa telebisyon katulad ng It’s Always Sunny in Philadelphia, Scrubs, The Suite Life on Deck at Body of Proof. Miyembro rin  si Middlebrooks ng SAG na may trained background.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Nagpaabot din ng saloobin ang katrabaho ni Middlebrooks sa Disney na si Debby Ryan gamit ang Twitter account nito at sinabing: “rest in peace Windell Middlebrooks, our “Kirby”. you were a light to the entire Suite Life crew and cast and we’ll forever love you.”

Inilalarawan ni Middlebrooks ang kanyang buhay sa kanyang website bilang isang tao na mayroong “personality as big as his home state [of Texas].”

“This Big man, who moves as though he is floating on air, possesses such a Big presence that you just can’t tear your eyes away from him,” pahayag ni Middlebrooks sa kanyang page. - Yahoo News/Celebrity