ILOILO CITY – Kumita ang Western Visayas region ng P87.72 bilyon mula sa industriya ng turismo noong nakaraang taon.

Sinabi ni Atty. Helen Catalbas, director ng Department of Tourism (DOT)-Region 6, na ang kinitang P87.72 bilyon ay nagmula sa 3.95 milyong lokal at dayuhang turista na dumagsa sa anim na lalawigan at dalawang siyudad sa rehiyon.

Ayon kay Catalbas, nadagdagan ng P8.78 milyon ang kinita ng Western Visayas sa turismo noong nakaraang taon.

Nasa P78.94 bilyon lang ang kabuuang kinita ng rehiyon sa turismo makaraang makaakit ng 3.56 milyong turista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa anim na probinsiya, pinakamalaki ang kinita ng Aklan noong 2014 na nasa P43.78 bilyon. Ang malaking bahagi nito ay nagmula sa 1.6 milyong patuloy na tumatangkilik sa world-famous beach destination na Boracay Island sa Malay.

Kasunod nito ang Bacolod at Iloilo na kumita ng P12.8 bilyon at P12.26 bilyon, ayon sa pagkakasunod.