Marso 12, 2004 nang makasuhan ang dating South Korean president na si Roh Moo-hyun (1946-2009), unang beses na nangyari sa parlamento ng bansa, na may naitalang 193-2 na boto. Siya ay naakusahan sa kasong paglabag sa isang minor election law. Ayon sa conservative opposition bloc, sinusuportahan ni Moo-hyun ang Uri Party sa gaganaping National Assembly polls.
Dahil dito, libu-libong South Korean ang nagprotesta at naapektuhan ang mga stock market ng bansa.
Suspendido si Moo-hyun sa mga sumunod na dalawang buwan. Ngunit noong Mayo 14, 2004, ipinawalang-bisa ng Constitutional Court ang kaparushan, sapagkat hindi umano sapat ang nagawang pagkakamali upang siya ay kasuhan.
Ngunit makalipas ang ilang taon, gumawa siya ng hindi kaaya-ayang desisyon, at ito ay nalaman ng ilang “incompetent.”
Siya ay tumalon sa bangin at nagpakamatay noong Mayo 23, 2009