Paul at Toni

UNTI-UNTI na naming nalalaman ang ilang detalye sa nalalapit na kasal nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.

Sinulat namin kamakailan na ang tanyag na New York-based designer na si Vera Wang ang tatahi ng wedding gown ni Toni base na rin sa tsika ng kapatid niyang si Alex Gonzaga sa presscon ng The Unexpected Concert (na gaganapin sa Smat Araneta Coliseum sa Abril 25).

Marami ang nagtatanong kung bakit si Vera Wang ang napili nina Toni at Paul, bakit hindi ang famous din na kababayang si Monique Lhuillier na sa Los Angeles, California naman naka-base.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

“’Yung kasing katawan ni Toni, maliit ang built kaya bagay sa kanya ang mga gawa ni Vera Wang, I’m sure ito rin ang payo sa kanya ng lahat,” sabi ng kaibigan ng pamilya ng TV host/actress na nakausap namin.

Ini-reveal din niya sa amin na June bride raw si Toni dahil gaganapin ang kasal sa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Bakit kaya ito ang petsang napili nina Direk Paul at Toni?

“Eh, kasi araw na ng kalayaan ni Toni, kasi for so many years nakapisan siya sa magulang niya at sa kasal lang nila ni Paul siya totally mahihiwalay sa magulang. Kaya may konek,” kuwento sa amin.

Tulad din ng parating sinasabi ng June bride, sa simbahan ng Taytay, Rizal sila ikakasal, na pangako nila sa kanilang mga kababayan.

Ang isa pang tanong namin, saan naman ang reception?

“Wait, I’ll ask pa, I forgot to ask,” mabilis na sagot ng source.