Robin Thicke

NAGDESISYON na ang jury tungkol sa kinakaharap na pagsubok nina Robin Thicke at Pharrell Williams matapos diumanong gayahin ang ilan sa mga linya at konsepto ng Got to Give It Up na inirekord ni Marvin Gaye noong 1977. Ayon sa Variety, kinakailangan nilang bayaran ng $7.3 million ang pamilya ni Gaye.

“While we respect the judicial process, we are extremely disappointed in the ruling made today, which sets a horrible precedent for music and creativity going forward,” pahayag nina Williams, Thicke at T.I.

“Blurred Lines was created from the heart and minds of Pharrell, Robin and T.I. and not taken from anyone or anywhere else. We are reviewing the decision, considering our options and you will hear more from us soon about this matter.” 

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nagmula ang desisyon sa walong jurors na nakinig sa testimonya mula sa mga musicologist at sa panig nina Thicke at Williams. Ang $7.3 million ang naging katumbas na halaga mula sa panggagaya ayon sa The Hollywood Reporter.

Ang kaso sa Blurred Lines ay nagsimula noong Agosto 2013, nang tumugon sina Thicke, Williams at T.I. sa mga banta ng estate and publisher ni Gaye na Bridgeport Music. Dahil dito, nagpaliwanag  ang abogado ni Thicke at sinabing ang Blurred Lines ay “strikingly different” sa Got to Give It Up at iba ito dahil sa Sexy Ways. “The intent in producing ‘Blurred Lines’ was to evoke an era,” - Rolling Stone