Nais ng isang mambabatas na palawakin ang mga benepisyo sa ilalim ng National Health Insurance Program (NHIP) upang masaklaw na maging ang outpatient medical at surgical care.

Ayon kay Rep. Scott Davies S. Lanete (3rd District, Masbate), isang doktor, layunin ng House Bill 5265 na ipabatid na hindi sapat ang mga benepisyo sa ilalim ng NHIP upang matugunan ang mandato ng PhilHealth na magkaloob ng health insurance coverage sa mamamayan.

Makatutulong din umano ito upang matulungan ang mamamayan na makabayad sa kani-kanilang health care service.
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands