Hindi lamang ang binubuong Philippine women’s volleyball team ang mapapasama sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5 hanggang 16 kundi ang maging ng men’s volleyball team.

Ito ang inihayag ng Team Philippines SEA Games Management Committee kung saan ay inaasahang 50 atleta ang maidaragdag sa pambansang delegasyon na lalahok sa kada dalawang taong torneo.

Sinabi ni Team Philippine Chef de Mission Julian Camacho na humahabol upang mapasama ang women’s water polo, ang women’s dragonboat team at ang men’s indoor volleyball squad.

Napag-alaman sa isang opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) na nag-usap noong Lunes ng gabi ang mga pinuno at coaches ng Larong Volleyball ng Pilipinas kasama si POC president Jose “Peping” Cojuangco upang agad na tapusin ang komposisyon ng mga manlalaro sa kababaihan at gayundin ang listahan sa kalalakihan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Matagal na nag-usap ang POC at sina Gorayeb at Acaylar. Pinamamadali na ang composition ng women’s team para sa Under 23 at sa SEA Games. Not only that, maging sa men’s team,” sabi ng source.

At dahil sa pagkakadagdag sa tatlong sports na binubuo ng 50 atleta ay umakyat na sa kabuuang 452 ang inaasahang mapapasama sa pambansang delegasyon. Hindi pa dito kasama ang mga nagnanais sumabak na gagastusan ang kanilang sariling kampanya.

Hanggang Abril 1 na lamang ang deadline na ibinigay sa 32 national sports association’s (NSA’s) upang ipinalisa ang kanilang listahan base sa itinakdang deadline ng nag-oorganisang Singapore SEA Games Committee (SINGSOC).