Nakasalalay sa mamamayan kung sino ang karapat-dapat na pumalit kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III kung sakaling magbitiw na ito sa puwesto.
Ito ang ipinarating ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa harap ng mga panawagang bumaba na sa puwesto si Aquino at sa planong pagbuo ng isang advisory council.
Ayon kay Tagle, hindi na dapat pang pagbitiwin sa puwesto si Pangulong Aquino dahil malapit na ang eleksiyon at hindi na rin naman ito maaari pang mahalal bilang pangulo.
“Malapit naman na ang eleksyon, let the electoral process and the people determine,” sinabi ni Tagle sa panayam sa kanya sa England, na iniere sa telebisyon.
Sinabi rin ng Cardinal na wala rin namang kredibilidad ang mga taong nasa likod ng PNoy Resign movement.
Nasa Englad si Tagle matapos dumalo sa pulong ng Catholic Youth Ministry Federation sa Wembley Arena sa London.