Umasa ang Hope Christian High School kay Most Valuable Player Justine Dorog upang walisin ang Colegio San Agustin Makati, 25-14, 25-16, 25-18, at pagwagian ang 17-Under Competitive Division crown sa Milo-sponsored Women’s Volleyball League (WVL) sa San Beda gym kamakailan.

Tumanggap ng suporta si Dorog mula sa kanyang teammates na si Mae Angelina Basarte, kinilala bilang Best Setter, at Maria Lina Isabel Molde, pinangalanang Best Spiker, sa event na inorganisa ng award winning Best Center may 19-taon na ang nakalipas.

Pinataob naman ng King’s Montessori School ang Holy Family School, 25-16, 25-14, para sa third place.

Ang championship matches ay mismong pinanood ni Best Center founder Nic Jorge, ang dating national coach, at maging ang dating national player na si Mozzy Ravena, Genevieve Casugod at Christine Agno ng Far Eastern U (FEU) at Princess Gaiser ng UP, isang Best Center graduate at naging mahusay na libero sa WVL.

National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16

Dinispatasa ng La Salle College ng Antipolo ang St. Paul College-Makati, 25-18, 25-21, 25-16, para sa 17-Under Developmental Division title, habang tinalo ng Espiritu Santo Parochial School ang St. Scholastica’s College-A, 25-15, 25-17, para sa third place.

Ang 13-Under Competitive Division crown ay napasakamay ng Colegio San Agustin-Makati matapos na biguin ang Escuela de Sophia, 25-23, 21-25, 25-18, habang humantong ang King’s Montessori School sa third place makaraan ang 25-7, 25-22 win laban sa St. Scholastica’s College.