TRIPLETS ang anak ni Gabby Eigenmann sa InstaDad kabilang si Gabbi Garcia na gumaganap sa role ni Marikit o Kit na tomboyish, athletic, adventurous at sobrang protective sa kanyang mga kapatid na sina Mayumi (Ash Ortega) at Maaya (Jazz Ocampo).

Overwhelmend si Gabbi sa bagong show dahil kasama siya ni Gabby na magbibida at bukod dito, ilu-launch ang love team nila ni Ruru Madrid sa rom-com series na Let The Love Begin na papalit sa Once Upon A Kiss. Nag-shoot na sila ni Ruru ng TV plug para sa series na ang target airing ay sa April.

Nangako si Gabbi na magiging propesyonal at gagalingan ang trabaho bilang pasasalamat sa GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng magandang show follow-up sa My Destiny na sila rin ni Ruru ang magkatambal.

Beauty queen material din si Gabbi, morena beauty, 5’6” na ang height sa edad na 16 at may hawig kay Shamcey Supsup. Sa right time, sasali siya sa mapipiling beauty pageant at habang inihahanda ang sarili sa beauty pageant, magpu-focus muna siya sa showbiz. --Nitz Miralles

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25