NAPAKALAKAS talaga ng karisma ng makaka-love team ni Bimby Aquino Yap na si Jana ‘Baby’ Agoncillo dahil nang dumalo ito sa Panagbenga Festival Kapamilya Karavan noong Sabado sa Melvin Jones Park, Baguio City ay walang humpay ang hiyawan na pangalan ng bagets ang maririnig.

Zanjoe Marudo

Dumagdag pa sina Zanjoe Marudo at Beauty Gonzales na marami na rin palang fans ang love team bilang sina Baste at Alex sa Dream Dad, sayang nga at wala si Matt Evans bilang si Paul na ka-love triangle nila.

Nahirapan ang security personnel sa pagkontrol ng mga taong gustong makita ang mga bida ng Dream Dad dahil siksikan na sa nasabing park na sa tantiya ay nasa 22,000 katao.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Kaya naman pala humahataw sa ratings game ang Dream Dad, haling na haling sa kanila ang publiko. Katunayan, pinadapa nila ang pilot episode ng Pari Koy na nagtala lang ng 17% kumpara sa 32.5% ng una.

Kaya labis-labis ang pasalamat ng Team Dream Dad sa mga tagasubaybay nila. At dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings ay extended ang programa.

Hala, matagal pa ang ipaghihintay ni Bimby kay Baby para sa gagawin nilang pelikula?

“Wala pa rin namang script at wala pang available na director,” say naman sa amin ng taga-Star Cinema. --Reggee Bonoan