BEIJING (Reuters) – Unti-unti nang nananamlay ang impluwensiya ng ipinatapon na Tibetan spiritual leader, ang Dalai Lama, sa ibang bansa at maging sa Tibet, ngunit ang sinabi nitong siya ay hindi na magre-reincarnate nananatiling “betrayal” sa relihiyon at sa bansa, sinabi kahapon ng isang mataas na opisyal ng China.
Inihayag ng China na ang Dalai Lama, na napakupkop sa India matapos ang bigong pag-aaklas laban sa pamahalaang Chinese noong 1959, ay isang marahas na separatist. Itinanggi naman ng Buddhist monk na karahasan ang isinusulong niya, at iginiit na tunay na awtonomiya lang ang hinahangad niya para sa Tibet.
Sa ngayon, iilang dayuhang leader na lang ang tumatanggap sa Nobel Peace Prize laureate dahil na rin sa galit na maaaring anihin ng nasabing leader mula sa China, ang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo.