Zoren at Carmina

MAGANDA ang ginagawa nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel para maiwasan ang selosan. Hindi na lang nila pinanonood ang kani-kanyang show kapag may intimate scene sila sa mga nakakapareha.

Kaya hindi panonoorin ni Zoren ang Bridges of Love dahil nalaman niya na may kissing scene si Carmina kay Paulo Avelino. Ayon kay Zoren, ayaw niyang ginagawa ng asawa ang mga ganitong eksena, pero dahil nasa showbiz sila at propesyonal, hindi nila maiwasan ang mga ganito sa trabaho nila.

Bale ba narinig ni Zoren ang kuwento ni Carmina sa press na nenerbiyos at naasiwa siya nang kunan ang eksenang magho-holding hands sila ni Paulo.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

“Parang 18 years old ako sa nerbiyos at naasiwa talaga ako dahil hindi kami close ni Paulo ‘tapos may kissing scene pa. Thankful ako na professional si Paulo,” sabi ni Carmina.

“Madali namang bumawi, puwede akong gumawa ng intimate scene, pero kailangang may six-pack abs ako,” sabi naman ni Zoren. “Alam niya ‘di ko gusto na gumawa siya ng mga ganu’ng eksena, kaya lang, nasa showbiz tayo.”

Magpa-pilot ang Bridges of Love sa May 16, samantalang nasa Book Two na ang Forevermore at dahil patuloy na mataas ang rating, baka may Book Three ito at ma-extend pa nang ma-extend.

Sa kanilang mag-asawa, mas apektado si Carmina sa bashers ng anak na si Casey dahil sa isang interview, binanggit ni Darren Espanto na crush niya ang 14-year-old dalagita nina Zoren at Carmina.

“Wala akong masasabi tungkol sa isyung ‘yan dahil hindi maiiwasan ang bashers. Lalo na ‘pag nag-showbiz ang mga anak ko, mas dadami ang bashers nila,” reaction ni Zoren.

“Gusto kong maging bayolente dahil anak ko ‘yun. Kung ako ang titirahin, ‘di ko papatulan, pero iba ‘pag anak mo. Ano’ng kasalanan ni Casey? Hindi naman siya ang nagsabing crush niya si Darren, pero nakikita kong strong ang anak ko at hindi siya apektado. Nakakatuwa lang dahil may nakaa-appreciate sa anak ko,” nakangiting sabi ni Carmina. (Nitz Miralles)