SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan - Lumutang ang bagong twist sa proseso ng isinusulong na recall elections sa Bulacan dahil libu-libong Bulakenyo, na ang mga pangalan ay ginamit umano nang walang pahintulot at pineke ang mga pirma para sa recall petition laban sa gobernador, ang maghahain ng mga kasong kriminal laban sa mga may pakana nito.

Ito ay kasunod ng pagkumpirma ng Bulacan Police Provincial Office na libu-libong rehistradong botante, na pineke ang mga pirma, ang nagpa-blotter at nagreklamo na ilegal na ginamit ang kani-kanilang pangalan, iginiit na hindi man lang nila alam na may isinusulong na recall elections laban kay Gov. Wilhelmino Alvarado.

Libu-libong botante ang may kaparehong reklamo, at iginiit ng ilan na maging ang mga kaanak nilang pumanaw na ay napabilang sa listahan ng mga umano’y sumusuporta sa recall elections, base sa petisyong inihain ng isang dating provincial administrator. - Freddie C. Velez

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3