Inihayag ni Baler Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Head Gabriel Llave ang kahandaan ng nasabing bayan sa Aurora sa pagresponde sa anumang kalamidad, lalo na ngayong malapit na ang tag-init at inaasahang dadagsa ang mga lokal at banyagang turista.

Aniya, laging may naka-on-alert na mga tauhan ang MDRRMO sa mga itinuturing na kritikal na lugar, gaya ng mga kalsada at tulay sa Barangay Obligacion at ilang bahagi ng provincial road mula sa Sitio Curva sa Bgy. Suklayin hanggang sa Sitio Setan sa Bgy. Calabuanan.

Kasama rin ang bahagi ng national road sa pagitan ng mga tulay ng Pudoc at Aguang sa Bgy. Buhangin.
National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko