BEIRUT (Reuters) – May 95 na bihag, kabilang ang mga mandirigmang Kurdish, ang nakatakas mula sa piitan ng Islamic State (IS) sa hilagang Syria pero karamihan sa kanila ay muling nadakip, ayon sa isang monitoring group.

Nangyari ang pagpuga sa bayan ng al-Bab, 30 kilometro sa timog ng Turkish frontier, ayon sa Syrian Observatory for Human Rights na nakabase sa Britain.

Ayon sa Observatory, kabilang sa mga pumuga ang mga sibilyang Syrian, 30 Kurdish fighter, at mga miyembro ng IS na tutol sa labis na karahasang ginagawa ng grupo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente