Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng 6-month preventive suspension si Makati City Mayor Jun-Jun Binay at 14 na iba kaugnay ng kontrobersiya sa umano’y overpricing ng Makati City Hall Building 2.

Kasama rin sa sinuspinde ng anti-graft agency sina City Budget Officer Lorenza Amores; Accountant Cecilio Lim III, accountant; Eleno Mendoza, acting city accountant; Nelia Barlis, treasurer; Arnel Cadangan, Emerito Magat at Connie Consulta, mga CPMO engineer; Line Dela Peña, CPMO chief; Giovanni Condes at Manolito Uyaco, Bids and Awards Committee (BAC) Secretariat Giovanni Condes at Manolito Uyaco; Rodel Nayve, Technical Working Group chairman; Ulysses Orienza, BAC member; at Norman Flores, General Services Department officer-in-charge.

Nilinaw ng Ombudsman na hindi saklaw kautusan si Vice-President Jejomar Binay dahil nangyari ang sinasabing anomalya noong alkalde pa ito at ngayon ay iba na ang hawak nitong puwesto.

Ayon sa record ng Ombudsman, sinimulan na ipatayo ang P2.2 bilyong Makati City parking building sa ilalim ng panunungkulan ng bise-presidente bilang alkalde na itinuloy sa administrasyon ng kanyang anak.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Samantala, itinuring ng kampo ni Vice President Jejomar C. Binay na marahas at minadali ang pagpapataw ng anim na buwang suspensiyon kay Mayor Binay.

Subalit tiniyak ni Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ni VP Binay, na ginagalang ng kanilang kampo ang suspension order at handa ang pamilya Binay na harapin ang mga kaso, umaasa silang hindi magpapagamit ang Ombudsman sa ano mang grupong pulitikal upang gipitin ang mga itinuturing na kalaban ng kasalukuyang administrasyon.

“Mayor Binay, the Vice President, and the other respondents would face the suspension and the complaint knowing that it is against a well-oiled government machinery that would not stop at nothing to persecute and prevent the political opposition from running in the upcoming election,” ayon kay Quicho.

“The people will ultimately decide,” dagdag ni Quicho.