Isang 35-anyos na lalaki, na sinasabing kilalang tulak ng droga at may 30-minuto pa lamang na nakakalaya mula sa bilangguan, ang patay matapos na pagbabarilin ng isang magkaangkas sa motorsiklo sa Tondo, Manila noong Martes ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Mario Pagaura, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik Gang, at residente ng Temporary Housing, Tondo, Manila, bunsod nang tinamong tama ng bala sa leeg.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, na naganap ang insidente dakong 8:15 noong Martes ng gabi sa Capulong St., sa Tondo.

Nauna rito, noong Marso 4 ay inaresto ng mga awtoridad si Pagaura dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act) at RA 10591, ngunit pinalaya ito nitong Martes bunsod ng desisyon ni Asst. City Prosecutor Jovencio Senados, Chief Inquest Prosecutor ng Maynila, na i-release ito for further investigation.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Paglabas ng biktima sa detention cell ng MPD-Police Station 1, ay sumakay ito ng pedicab, kasama ang kanyang live-in partner na si Edna Musni.

Gayunman, sinundan ng mga suspek, na lulan ng isang motorsiklo, ang pedicab na sinakyan ng biktima at saka binaril ito ng malapitan ng dalawang beses.