HUMARAP ang Empire star na si Jussie Smollett sa maselang katanungan tungkol sa kanyang tunay na kasarian, nang interbyuhin at mapanood siya sa The Ellen DeGeneres Show, at diretsahan niya itong sinagot.

“It was really important to me to make sure that it got across that there is no closet,” pagsisiwalat ni Smollett kay Ellen DeGeneres sa isang video sa backstage. “There’s never been a closet. That I’ve been in.” dagdag niya.

Noong mga nakaraang taon, naging palaiwas at mailap si Smollett sa pagsagot sa mga katanungan tungkol sa kanyang tunay na kasarian. Maging noong kinukunan siya para sa nasabing show, nagpahayag siya ng isang simpleng sagot, sa sinabi niya kay Ellen na, “What’s happening in my life, it’s been great.” Hanggang sa umamin siya kay Ellen sa backstage.

“I am not willing to confirm or deny anything, I live my life. If someone is looking for a box to put me in, then that’s not going to happen,” mariing sabi ni Smollett, inihalimbawa ang kanyang gagampanang karakter bilang Jamal sa Empire. “If you really want to know about me, just watch, because I don’t hide anything, I just don’t choose to talk about my personal life.”

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Ngunit nilinaw ni Smollett na ang kanyang personal na buhay ay malayo sa nasabing pelikula.

“My mama knows. My mama likes me a lot,” pagmamalaki niya kay Ellen.

Napag-usapan din nila ang dahilan kung bakit hindi siya komportable sa pagsisiwalat ng kanyang kasarian.

“I don’t own a closet, I got a dresser, but I don’t have a closet, but I have a home and that is my responsibility to protect that home,” paliwanag niya “So that’s why I choose not to talk about my personal life. But there is, without a doubt, no closet that I’ve ever been in and I just wanted to make that clear, but it was most important for me to make that clear to you, on your show, at this time in the world.” - Yahoo News/Celebrity