Marso 11,1997 nang gawing knight ni Queen Elizabeth II ang miyembro ng “The Beatles” na si Paul McCartney sa Buckingham Palace sa London, England, para sa kanyang “services to music.”
Inialay ni McCartney ang kanyang natanggap na parangal sa kanyang mga kabanda, at sa mga taga-Liverpool. Inamin niya na ninerbiyos siya bago magsimula ang seremonya, ngunit ipinagmamalaki niyang siya ay isang British.
Dahil dito, pabiro siyang tinatawag ng kanyang mga kabanda sa Beatles na sina Ringo Starr at George Harrison na “Your Holiness.”
Hindi nakadalo sa seremonya ang asawa niyang si Linda, na noon ay dumaranas ng breast cancer. Gayunman, dumalo ang tatlo sa apat niyang anak.
Ang pinararangalan sa mga seremonya sa United Kingdom, na ilang siglo nang ginagawa, ay nadadagdagan ng titulong “Sir” sa pangalan. Kabilang sa mga musician na ginawaran nito sina Cliff Richard, Bono, Elton John at Mick Jagger.