Indian Wells (United States) (AFP)- Magbabalik si Serena Williams sa WTA at ATP event sa Indian Wells sa linggong ito sa unang pagkakataon makaraan ang 2001 habang target naman ni defending men’s champion Novak Djokovic ang kanyang ikaapat na titulo.

Inihayag ng world number one na si Williams, kinamkam ang kanyang ika-19 Grand Slam singles crown sa Australian Open sa taon na ito, noong nakaraang buwan sa Time magazine na tatapusin na niya ang kanyang pag-boycott sa torneo matapos ang pangiinsulto sa kanya noong 2001 run sa titulo.

Napagwagian ni Williams ang Indian Wells crown noong 1999 sa edad na 17 at muli ay noong 2001 nang maghabol siya bago tinalo si Kim Clijsters sa final matapos ang controversial semifinal walkover nang ang kanyang kapatid na si Venus, na hindi nagbalik, ay umatras kaysa labanan si Serena.

Maraming spectators ang naniwalang napagnakawan sila sa tsansang mapanood ang labanan ng magkapatid, na anila’y hakbang na isinagawa ng kanilang ama na si Richard upang ipagkaloob kay Serena na maisalba ang mahalagang enerhiya para sa final.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“It has been difficult for me to forget spending hours crying in the Indian Wells locker room after winning in 2001, driving back to Los Angeles feeling as if I had lost the biggest game ever -- not a mere tennis game but a bigger fight for equality,” pahayag ni Williams sa Time.

“I said a few times that I would never play there again. And believe me, I meant it. I admit it scared me. What if I walked onto the court and the entire crowd booed me? The nightmare would start all over.”