SA Sabado, Marso 14 na ang premiere telecast ng Sabado-badoo, ang newest pinakabagong comedy program ng GMA Network na pagbibidahan ng kuwelang laughteam nina Sef Cadayona at Betong Sumaya. 

Nakilala si Sef sa Starstruck V at tuluyang naging popular nang mapanood sa ilan pang mga programa na nagpatunay ng kanyang kakayahan bilang komedyante. Kaya noong 2014, kinilala si Sef sa 5th Golden Screen Awards for TV bilang Outstanding Supporting Actor in a Gag or Comedy Show at sa 28th Star Awards for TV bilang Best Comedy Actor.

Bukod naman sa pagiging Sole Survivor ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown at host ng ilang Kapuso programs, mas nakilala ang pagiging natural na komedyante ni Betong nang mapasama siya sa Bubble Gang (BG). Kinagigiliwan ng mga manonood ang karakter niya bilang Antonietta sa BG. 

Bagamat nagkakasama na silang dalawa sa Bubble Gang at Sunday All Stars, ibang level na ng katatawanan ang ihahandog nina Sef at Betong sa Sabado-badoo. Makaka-relate sa kanila ang lahat ng televiewers dahil throwback with a twist ang mapapanood sa programa.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Tiyak na marami ang mag-eenjoy dahil muling makikita ang mga eksena na malamang ay nakalimutan na at hindi pa napapanood ng bagong henerasyon,” kuwento ni Betong.

“It’s a dream come true,” sabi naman ni Sef. “I’d finally be able to work with Shrek himself! Kidding aside, I know we have the chemistry so everything is pretty much okay. 

“It’s going to be funny. We’ll do our best to keep the viewers glued to their television watching the show. There’s going to be lots of colors, lots of love, and lots of high-fives kaya naman kaya naman talagang dapat abangan,” dagdag pa ni Sef.  

Excited na si Betong sa show dahil madaling katrabaho si Sef.

“Makulit at game sa kahit anong bagay si Sef kaya tiyak na magiging masaya ang show. Expect the funniest and wackiest team-up,” susog naman naman ni Betong.

Abangan ang Sabado-badoo sa Sabado siyempre, bago ang timeslot ng Pepito Manaloto, sa GMA-7.