Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nitong pagbasura sa petisyong inihain ni Senador Jinggoy Estrada na nagsasabing napagkaitan siya ng due process habang ang kasong plunder laban sa kanya ay dinidinig pa sa Ombudsman.

Sa deliberasyon ng mga mahistrado kahapon, ibinasura nito ang motion for reconsideration na inihain ni Estrada.

Walang naipakitang sapat na argumento ang kampo ng senador para katigan ang hinihingi niyang pagbaligtad sa naunang desisyon ng hukuman.

Sa kanyang petisyon, iginiit ni Estrada na napagkaitan siya ng due process dahil sa pagtanggi ng Ombudsman.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pero ayon sa Korte Suprema sa kanilang desisyon noong Enero 21, 2015, walang naging grave abuse of discretion sa panig ng Ombudsman dahil wala namang batas na nagsasabing obligado ang Ombudsman na magbigay sa isang respondent o inirereklamo ng kopya ng counter affidavit ng iba pang respondent sa kaso.

Tinukoy din ng hukuman na sa desisyon ng Ombudsman noong Mayo 7, 2014, iniutos na ng anti-graft body na mabigyan si Estrada ng kopya ng mga counter affidavit ng mga kapwa niya respondent sa PDAF case.