PURA, Tarlac - Isang lotto teller ang ginahasa ng isang gumagalawang sex maniac matapos abangan at kaladkarin sa maisan sa Sitio Maserpat, Barangay Poblacion 2 sa Pura, Tarlac.

Dakong 7:00 ng gabi, naglalakad pauwi ang 21-anyos na biktimang taga-Bgy. Linao, Pura, nang biglang lumitaw ang hindi nakilalang suspek at kinaladkad siya sa maisan para halayin.

Nagsagawa na ng follow-up investigation ang mga tauhan ng Pura Police.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3