AYON kay Carlo Galang, manager ng kapapanalong Mr. International 2015 na si Neil Perez, kaliwa’t kanan ang offers sa kanyang alaga simula nang umuwi sila sa bansa mula sa pagkakapanalo ng ating very own Mr. Philippines.

neil perezMay inquiry sa pinakapoging pulis ang rival biggest networks na GMA-7 and ABS-CBN upang pumirma ng exclusive network contracts, bagay na hindi pa nila madesisyunan as of now.

Everybody loves a winner, íka nga, lalo na’t ang bansang Pinas ang kinatawan ng isang kandidato, at tinalbugan ni Neil ang delegates from different countries sa laban na ‘yun sa Korea.

 

National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya

Sabi ni Niel nang makatsikahan namin siya sa launch ng Teceruma Spa and Salon (siya ang celebrity endorser ng cosmetic acupuncture), magdedepende rin ang kanilang sagot sa schedules ng trabaho niya bilang pulis.

 

“Hindi ko iiwan ang pagiging pulis,” sey ng barakung-barakong si Neil. “Sa training ko sa pagiging pulis, malaki ang ‘tinulong nito sa pagkakapanalo ko sa Mr. International. Hindi rin p’wedeng sa panlabas ka lang pogi. Dapat pati sa panloob din.

 

“Priority ko pa rin ang pagiging pulis, pero masaya rin siyempre kung may sideline sa showbiz, pero depende na rin sa manager ko ang lahat, dahil nakakontrata rin kami sa Mr. International abroad.”

 

Grabe pala ang disiplina sa pagkain ni Neil kaya natamo niya ang makisig na katawan.

 

Bukod sa diet, regular exercise, healthy food ang kinakain niya like brown rice, kamote, isda, gulay.  Never daw siyang kumain ng junk foods at uminom ng softdrinks.

 

Nais niyang maging huwaran sa pagiging fit and healthy hindi lamang ng mga pulis kundi ng lahat ng Pinoy.

 

“Malaking inspirasyon ko rin ang SAF 44, sa aking pagsali, dahil isa rin akong pulis tulad nila. Kaya ako sumaludo sa kanila onstage nang ako ang tawaging winner. Hindi biro ang magbuwis ng buhay para sa bayan.

 

“Iniaalay ko ang aking panalo sa Mr. International sa kanilang lahat,” sambit pa ng guwapong Pinoy.

 

Proud din kay Neil ang owners ng Teceruma Spa and Salon (located at BSA Tower 1, Mandaluyong, sa likod ng Megamall) na simula’t sapul ng pagsali ni Neil sa pageants ay suportado na nila. (MELL T. NAVARRO)