Richard Gomez

BUKOD sa pagkakapanalo ni Aiko Melendez as Best Actress in a Foreign Language Film award sa London International Filmakers Festival of World Cinema, ikinatuwa rin ng malalapit na kaibigan ni Aiko ang pagkapanalo ni Richard Gomez bilang Best Actor sa 55th Oporto International Film Festival na ginanap sa Portugal noong Sabado, March 7.

Nagwagi si Aiko para sa pelikulang Asintado at para sa The Janitor naman nanalo si Goma. Pareho ring nominated sa katatapos na Star Awards for Movies ang dalawa pero hindi sila pinalad.

Nang makatsikahan namin si Aiko sa backstage ng teatro ng Solaire, bago pa inihayag ang winner para sa best actress ay knows naman daw niya na hindi siya ang nagwagi pero wala siyang naramdamaman ni katiting na hinanakit sa Star Awards.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Ilang beses na rin naman akong pinanalo nila, kaya okey lang. At least international best actress na rin naman ako,” napahalakhak na sabi ni Akikay.

Sey pa ng aktres, pareho silang international awardee ni Goma na kasamahan niya dati sa kuwardra ng namayapang manager nilang si Douglas Quijano.

“Siguro kung nabubuhay pa si Tito Dougs, ngayon, eh, tiyak na tuwang-tuwa siya sa aming dalawa ngayon,” banggit pa ni Aiko.

Sabi ng beteranong manunulat na nakaumpukan namin Aiko nang gabing iton ay napakasaya rin ni Richard na napasama ang The Janitor sa competition proper at halos mapalundag ito sa tuwa nang mabasa ang official announcement ng Fantasporto at nakita niya ang pangalan niya bilang best actor winner.

Walang ibang award na nakuha ang The Janitor maliban sa tropeo niya pero masaya pa rin ang lahat ng mga nakatrabaho niya sa movie. Dalawang pelikulang Tagalog ang napasama sa naturang international film festival, pero bokya at walang naiuwing award ang kasabay nila, huh!