LIVER PIX copy

Ipaparada ng ATC Healthcare Corp. ang kanilang inisyal na pagsubok sa sporting league kung saan ay pormal na inihayag kahapon ang magiging panimula ng kanilang Liver Marin team sa PBA D-League Foundation Cup na magsisimula sa Marso 13 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Optimistiko si team owners Albert Chua, Arnold Vegafria at Richard Sy na ang lineup ng veteran coaches ng Liver Marin, sa pangunguna ni head coach Rodney Santos, 1st asst. coach Bal David, at 2nd asst. coach Banjo Calpito, ay magbibigay ng inspirasyon sa magiging kampanya ng koponan tungo sa inaasam na slot sa finals.

Ang Liver Marin ay patuloy na may school tie-up sa San Sebastian College, kung saan ay anim na Stag players ang napahanay sa koponan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Liver Marin team, suot ang kanilang sporting signature green at white jerseys, ay kinabibilangan nina Bradwyn Guinto, Jamil Ortouste, Mike Calisaan, Jerick Fabian, Jeff Santos, Bobby Balucanag, Leo de Vera, Jovit dela Cruz, Choi Ignacio, Jansen Rios, Joseph Ambohot, Moy Abad, Jhygrus Laude at Ryan Costelo.

Habang lalarga na ang torneo sa Biyernes, nakatutok naman ang lahat sa gagawing pag-atake ng coaching staff ng Liver Marin.

Sa kasagsagan ng kanyang kasikatan noon, bininyagan si head coach Santos bilang “The Slasher,” dahil sa kanyang ‘slashing ability’ patungo sa kanyang basket.

Matapos ang maningning na karera sa San Sebastian, si Santos ay kinuha bilang second overall pick ng Purefoods noong 1996 draft. Matapos noon ay na-trade siya sa Alaska kapalit nina Cris Bolado at Bryant Punzalan noong 1997 at naging isa sa reliable contributor ni Tim Cone sa labas ng bench. Siya ay muling kinuha ng Purefoods noong 2003 bilang free agent. Makaraan ang kanyang stint sa TJ Hotdogs, siya ay ibinigay naman sa Ginebra. Ang kanyang naging huling koponan ay ang Coca-Cola Tigers bago ito kinapitan ng injuries na pumuwersa sa kanya sa pagreretiro.

Sa kasalukuyan ay nagsisilbi siya bilang bahagi ng coaching staff ng San Sebastian.

Ang pag-entra ng Liver Marin sa D-League ang nagmarka rin sa pagbabalik ng isa sa pinaka-popular players sa Barangay Ginebra na si Bal David.