CAMP BANCASI, Butuan City – Isang miyemro ng New People’s Army (NPA) ang napatay at tatlong high-powered automatic rifle ang nabawi sa magkahiwalay na engkuwentro kahapon ng umaga sa kabundukan ng Quezon, Bukidnon.

Nakasagupa ng tropa ng 10th Scout Ranger Company ang hindi pa matukoy na dami ng armadong rebelde sa Sitio Kipolot sa Barangay Palacapao, Quezon, Bukidnon dakong 2:25 ng umaga kahapon, ayon kay Maj. Christian C. Uy, regional spokesman ng 4th Infantry (Diamond) Division ng Philippine Army.

Tumagal nang 30 minuto ang paglalaban hanggang sa umurong ang NPA at iniwan ang bangkay ng isa nilang kasama, gayundin ang dalawang M-16 rifle at isang AK47 at mga bala.

Isa pang paglalaban ang nangyari dakong 5:30 ng umaga kahapon nang makasagupa ng mga tauhan ng 43rd Division Reconnaissance Company ang may 10 armadong rebelde sa Sitio Bagong Lipunan sa Barangay Linabo, Quezon.

National

'Napakairesponsable!' Sen. Risa, pinalagan 'designated survivor' remark ni VP Sara

Tumagal nang 15 minuto ang paglalaban. - Mike U. Crismundo