Sa kanilang ipinamalas na katapangan, pararangalan ng Philippine National Police (PNP) ang pitong pulis na  nasugatan makaraang pasabugan ng landmine at tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Palacapao, Quezon, Bukidnon.

Ipinakita ng mga biktima ang katapangan at katatagan sa pakikipaglaban sa kabila ng kanilang tinamong tama ng bala at agrabiyadong posisyon sa lugar na pinangyarihan ng engkuwetro. 

Sinabi  ni  Regional  Police Office -10 Director Chief  Supt. Agrimero Cruz Jr. igagawad  ang karangalan ng  Medalya ng Sugatang Magiting sina PO1 Junel Macabinlar, PO1 Quilombi Alumpines, PO1 Lou Tagalurang, PO1 Gerald Bob Colita, PO1 Ryaian Nera, PO1 Roy Pepito at PO1 Hermie Alabe ng Regional Public Safety Batallion na nagpaatras sa may 50 NPA.

Ayon pa kay Cruz, nakatakdang sampahan  ng kasong attempted murder ang mga rebelde at pagsunog sa pitong cargo truck  makaraang harangin sa BarangayPalacapao.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Dinagdag pa ni Cruz, na nagsasagawa ng operasyon kasama ang militar ang kanyan mga tauhan  upang mahuli ang mga rebeldeng NPA.