BUENOS AIRES (AP) - Bumagsak ang dalawang helicopter kahapon, lulan ang cast ng isang European reality show, sa hilaga-kanluran ng Argentina, at namatay ang walong French at dalawang Argentine, ayon sa mga awtoridad.

Bumagsak ang mga helicopter habang bumibiyahe malapit sa Villa Castelli sa probinsiya ng La Rioja, 730 milya (1,170 kilometero) hilagang kanluran ng Buenos Aires, pahayag ni La Rioja Secretary of Security Cesar Angulo. Kumpirmadong patay ang 10 pasahero.

“An explosion occurred and it’s believed that they must have collided,” ayon kay Angulo. “Aeronautical experts will have to determine that.”
National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol