Prison correctional ang ipinataw na kaparusahan ng korte sa isa sa 11 akusado sa pananambang sa grupo ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Atty. Reynaldo Esmeralda.

Sa inilabas na desisyon ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 23 Judge Thelma Bunyi-Medica, sinentensiyahan na makulong ng apat na taon, dalawang buwan at isang araw o prison correctional bilang minimum at 10 taon at isang araw o prison mayor bilang maximum ang akusadong si Teodro Avendanyo.

Si Avendanyo ang nagsilbing gunman at sa pagharap nito sa korte ay naghain ito ng guilty plea sa isinagawang re-arraignment kaugnay sa two counts na kasong frustrated murder.                                                  

Not guilty plea naman ang inihain ng mga akusadong sina Perfecto Villanueva, Ramoso Ramos, Alfredo Compoc at AlJun Monticlaros.                              

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa Marso 26 naman itinakda ni Judge Medina ang re-arraignment sa akusadong negosyante na si     Tyrone Ong na gaganapin bandang 8:30 ng umaga.

Base sa resolution ng Department of Justice (DoJ), noong Pebrero 2014, kay Ong nagmula ang P600,000 pondo para sa pananambang sa grupo ni Esmeralda noong Pebrero 2012.                                                        

Sa nasabing ambush, nasugatan din si PO3 Nilo Esmeralda.